9/24/2019 Abakada Unang Hakbang Sa Pagbasa
Lunes ng Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Pahayag 1, 1-4; 2, 1-5a Salmo 1, 1-2. At 6 Kakain ang magwawagi sa puno ng buhay lagi. Lucas 18, 35-43 UNANG PAGBASA Pahayag 1, 1-4; 2, 1-5a Ang simula ng aklat ng Pahayag Ito ang paghahayag ng Diyos kay Hesukristo, at kanya namang inihayag kay Juan na alipin niya, sa pamamagitan ng anghel.
![]()
UNANG HAKBANG SA PAGBASA AT PAGSULAT (Unang Aklat) Rex Bookstore, Inc. 0 Reviews Preview this book » What people are saying - Write a review. We haven't found any. Bagong Alpabeto: Mga Unang Hakbang Sa Pagbasa - Philippine Book on Amazon.com. *FREE* shipping on qualifying offers.
Ang layon ng paghahayag na ito’y ipabatid sa mga alipin ng Diyos ang mga bagay na malapit nang maganap. Ito ang patotoo ni Juan sa mga nakita niya – tungkol sa inihayag ng Diyos at pinatunayan ni Hesukristo. Mapalad ang bumabasa ng aklat na ito, ang mga nakikinig sa hulang inihahayag nito, at tumutupad sa nasusulat dito! Sapagkat ang lahat ng ito’y malapit nang maganap. Buhat kay Juan – Sa pitong simbahan sa Asia: Sumainyo ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos – Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan, at siyang darating – at mula sa pitong espiritung nasa harap ng kanyang trono. Narinig ko ang Panginoon at sinabi niya sa akin, “Isulat mo sa anghel ng simbahan sa Efeso: “Ito ang ipinasasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kanyang kanang kamay, ang lumalakad sa gitna ng pitong ilawang ginto, ang iyong mga pagpapagal at pagtitiyaga.
Alam kong namumuhi ka sa masasama. Sinubok mo ang mga nagpanggap na apostol, at napatunayan mong sila’y bulaan. Alam ko ring matiyaga ka, nagtiis ng maraming hirap alang-alang sa akin, at hindi nanlupaypay. Ngunit ito ang ipinagdaramdam ko sa iyo: nanlalamig ka sa akin – hindi mo na ako mahal tulad ng dati. Alalahanin mo ang dati mong kalagayan, pagsisihan mo at talikdan ang iyong masasamang gawa, at gawin mong muli ang mga ginawa mo noong una. Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN Salmo 1, 1-2. At 6 Tugon: Kakain ang magwawagi sa puno ng buhay lagi. Mapalad ang taong hindi naaakit niyong masasama, upang sundan niya ang kanilang payo’t maling halimbawa; hindi sumasama sa sinumang taong ang laging adhika’y pagtawanan lamang at hamak-hamakin ang Diyos ng dakila. Nagagalak siyang laging magsaliksik ng banal na aral, ang utos ng Poon siyang binubuhay sa gabi at araw. Tugon: Kakain ang magwawagi sa puno ng buhay lagi.
Ang katulad niya’y isang punongkahoy sa tabing batisan, sariwa ang daho’t laging namumunga sa kapanahunan, at anumang gawin ay nakatitiyak na magtatagumpay. Tugon: Kakain ang magwawagi sa puno ng buhay lagi. Ngunit ibang-iba ang masamang tao; ipa ang kawangis, siya’y natatangay at naipapadpad kung hangi’y umihip.
Sa taong matuwid ay Panginoon ang s’yang mag-iingat, ngunit kailanman ang mga masama ay mapapahamak. Tugon: Kakain ang magwawagi sa puno ng buhay lagi. ALELUYA Juan 8, 12 Aleluya! Sinabi ni Hesukristo: “Ako ang ilaw ng mundo at buhay ng alagad ko.” Aleluya!
MABUTING BALITA Lucas 18, 35-43 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Malapit na si Hesus sa Jerico, at doo’y may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at nagpapalimos. Nang marinig nitong nagdaraan ang maraming tao, itinanong niya kung ano ang nangyayari. “Nagdaraan si Hesus na taga Nazaret,” sabi nila. At siya’y sumigaw, “Hesus, Anak ni David! Mahabag po kayo sa akin!” Sinaway siya ng mga nasa unahan, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang sigaw: “Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Kaya’t tumigil si Hesus, at iniutos na dalhin sa kanya ang bulag. Inilapit nga ito at tinanong ni Hesus, “Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo?” “Panginoon, ibig ko po sana’y manumbalik ang aking paningin,” sagot niya. At sinabi ni Hesus, “Mangyari ang ibig mo!
Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.” Noon din, nakakita siya at sumunod kay Hesus, at nagpasalamat sa Diyos. Nang makita ito ng mga tao, silang lahat ay nagpuri sa Diyos. Ang Mabuting Balita ng Panginoon. Pagninilay: Ang ating Unang Pagbasa ay hango sa huling aklat ng Bibliya, ang Pahayag. Ito ay sinulat ni San Juan Apostol kasunod ng di umano’y mga pangitain na kanyang nasaksihan. Nagsisimula ang aklat sa mga pangitain tungkol sa mga kaganapan sa kinabukasan, kaya hinimok ng Apostol ang mga taga-Efeso na maging matatag sa pananampalataya at tapat sa bawat mensahe ng Panginoon. Ang ating Ebanghelyo naman ay narinig natin kamakailan noong Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (Oktubre 28, 2018).
Ito ay isang pagpapagaling ni Hesus sa isang bulag na lalaki. Bagamat hindi ipinangalan ni San Lucas ang lalaking iyon, alam po natin na ang lalaking bulag ayon kay San Marcos ay walang iba kundi si Bartimeo. Siya’y nagkaupo sa tabi ng daan habang naglilimos. Nang marinig niya na si Hesus ay lumagpas na sa lugar na kanyang pinaroroonan, bigla siyang sumigaw na kaawaan siya ng Anak ni David. Kahit siya’y pinagsabihan na tumahimik, siya’y patuloy sa panawagan ng awa hanggang sa inutos ni Hesus na ilapit si Bartimeo.
At nang buong pag-asa’t pananampalataya sinabi ng lalaki na nais niyang makakita, binigyan muli siya ng paninigin at nagpuri ito sa Panginoon. Ang pagtatagpo ni Hesus kay Bartimaeo ay isang hakbang sa ating buhay upang tayo’y maging mulat hindi lang sa pisikal na paraan, kundi higit pa riyan sa espirituwal na paraan. Maraming bagay ang nagpapabulag sa tao dahil sa tuksong pang-akit katulad ng karangyaan, kayabangan, kasakiman, atpb.
Minsan dahil sa masyadong mataas ng ating paningin sa ating sarili, nabubulag tayo agad sa mga pangangailangan ng ibang tao. Nawa’y tularan natin si Bartimeo sa pagkakaroon ng buong pananampalataya sa Panginoon na mangyari ang mga bagay na kinakailangan natin sa esprituwal na paglalakbay. At nawa’t tularan natin si Hesus sa pagkakaroon ng pagmamahal sa ibang tao sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan.
Primarya (elementarya) Ito’y panimulang pagbasa sapagkat pinapaunlad dito ang rudimentaryong kakayahan. Ibig sabihin, dinedevelop ito mula sa kamangmangan.
Elementaryang pagbasa rin ito dahil sinisimulang ipinatuturo sa paaralang elementarya. Sa primarya, wika ang pokus.
Ang pagkilala sa aktwal ng mga salita, at ang pagpapamalay sa kahuluhan ang unang konsentrasyon ng primaryang pagbasa. Inspeksyunal o Mapagsiyasat Sa antas ng pagbasang ito, ang panahon ang pinakamahalaga. Itinatakda sa limitadong oras ang pagbasa. Dahil sa limitadong pagbasa, hindi lahat ng nasa aklat ay babasahin kundi ang superfisyal o espisipiko na kaalaman lamang.
![]()
Ang kailangang sagutan habang nagbabasa ay: Tungkol saan ang libro?, Anu-ano ang mga bahagi nito?, Anong uri ito ng babasahin – kasaysayan ba? Tinatawag din itong pre-reading o sistematikong iskiming. Mapanuri o Analytikal Ang antas na ito ay aktibo. Dapat intindihing mabuti ang ipinapakahulugan sa pamamagitan ng malinaw na pag-iinter. Interpratibo ito, samakatuwid, sapagkat matalinong hinihinuha ang mga pahiwatig at tagong kahulugang matatagpuan wika nga, sa pagitan ng teksto o linya. Mahalaga rito ang malalim na nakapaloob na kaisipan. Sintopikal Pinakamataas ang antas na ito ng pagbasa.
Pag-uunawang integratibo ang kailangan sa antas na ito. Komplikado at sistematikong pagbasa ito. Humahamon sa kakayahan ng bumabasa. Komparatibo rin ito. Ibig sabihin, dapat marami nang nabasang libro ang bumabasa para makapagiba-iba, makapagsuri, makapamuna at makapagpahalaga, kaya naman kahit matrabaho ang pagbasa rito, marami namang nakukuhang benepisyo. 5 Hakbang tungo sa sintopikal na paksa 1.
Pagsisiyasat Magsiyasat ng mga mahalagang bahagi na magkokonekta sa pokus(references). Asimilasyon Tukuyin mo ang wika at tukuyin ang mga termino(significant of terms).
Pagkatapos mong matukoy ang wika at termino, gagawa ka ng sarili mong konklusyon. Mga Tanong Sa mga binasa mo, may naiiwang mga tanong. Mga Isyu Lumilitaw ang isyu kung kapakipakinabang at makabuluhan ang mga katanungan. Kung di mo naunawaan ang binasa, hindi ka makagagawa ng sariling konklusyon dahil hindi mo binasa(walang malalim na pag-unawa at pagpapaliwanag). Konbersasyon Patukoy sa katotohanan batay sa sintopikal na antas ng pagbasa. Palaging kwestunable ang katotohanan; sa diskurso, sa eksperto, sa sarili. Mayroong sariling pagpapaliwanag.
Mga Kailangang Isagawa upang Makamit ang Antas ng Pagbasa. Tukuyin kung saang larangang nakapaloob ang teksto. Pagbabalangkas. Tukuyin ang suliranin na tinatangkang gustong bigyang linaw ng may akda.
Pag-unawa sa mga salitang ginamit. Sapulin ang mahahalagang proposition ng may akda. Tukuyin sa kung nasagot ang mga katanungan sa suliranin. Tukuyin kung saang bahagi ng teksto nagkamali, nagkulang o naging elohikal ang pagpapaliwanag ng may akda.
Comments are closed.
|
AuthorWrite something about yourself. No need to be fancy, just an overview. ArchivesCategories |